Home NATIONWIDE Nabiling palay ng NFA sa unang kalahati ng taon lampas sa target

Nabiling palay ng NFA sa unang kalahati ng taon lampas sa target

MANILA, Philippines- Nalampasan ng National Food Authority (NFA) ang target procurement nito para sa palay (unmilled rice) para sa unang kalahati ng taon, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Sinabi ng ahensya na pumalo ang palay procurement ng NFA sa halos 3.37 milyong 50-kilo bags hanggang Hunyo 13.

Binanggit nito na lampas ito sa target na 3.36 milyong sako.

“This translates to approximately 168,262 metric tons of palay, the total inventory is now sufficient to cover four days of national consumption in case of emergencies or disasters,” anang DA.

Iniugnay ito ng agriculture department sa mas mataas na buying prices ng NFA. nakatulong umano itong palakasin ang national buffer stock at dagdagan ang kita ng mga magsasaka. RNT/SA