MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang pag-deploy ng China ng isang amphibious assault ship kamakailan ay naglalayong gambalain ang mga aktibidad ng mga sibilyang Pilipinong siyentipiko na nagsasagawa sa Escoda Shoal.
Ito ang inihayag ni PCG for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela sa isang ulat ng Global Times na binanggit na ang People’s Liberation Army (PLA) Navy ng China ay nagtalaga ng isang amphibious assault ship sa Spratly Islands.
“The objective of the PLA Navy’s deployment of its amphibious assault ship on June 4, 2024, was to disrupt the activities of civilian Filipino scientists who were conducting a scientific survey in Escoda Shoal,” sinabi ni Tarriela sa X o dating Twitter.
Ayon sa Global Tomes report, ang Type 075 landing helicopter dock ng China ay namataan malapit sa Zhubi Jiao noong Biyernes. Ang deployment umano ay paghahanda para sa anumang emergency response sa gitna ng paulit-ulit na “probokasyon” ng Pilipinas.
“It is important to highlight the fact that the escalation of tension in the West Philippime Sea is a direct result of China’s illegal presence, bullying tactics, and provocative actions,” pahayag naman ni Tarriela kaugnay sa ulat ng Global Times.
“It is not accurate to claim that the Philippiens is provoking China in any way,” binigyan-diin pa ni Tarriela.
Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea sa kabila ng pag-angkin ng iba’t bang Southeast Asian countries, kabilang ang Pilipinas. Ibinasura din nito ang international ruling at sinabing wala itong legal na basehan.
Nag-deploy ang China ng coast guard at iba pang patrol boats sa baybayin at ilang bahura ang ginawang artipisyal na isla.
Naging sunod-sunod din ang pagha-harasss at pag-aligid ng mga barko ng China sa Pilipnas sa mga pinagtatalunang baybayin,
Naglabas pa ng bagong patakaran ang China na nagpapahintulot sa coast guard nito na hulihin at ikulong ang foreign trespassers sa South China Sea.
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang mga mangingisdang Pilipino na pumalaot sa Bajo de Masinloc o tinatawag na Panatag at Scarborough Shoal sa WPS nitong Sabado.
Nanindigan naman ang Armed Forces of the Philippines na hindi ito mapipigilan sa pagtupad sa kanilang mandato sa kabila ng mga bagong regulasyon ng CCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden