Home HOME BANNER STORY Pagpapadala ng Pinoy seafarers sa mga barkong daraan sa Red Sea at...

Pagpapadala ng Pinoy seafarers sa mga barkong daraan sa Red Sea at Gulf of Aden, bawal na!

MANILA, Philippines – Ipinagbawal na ng ang Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga Filipino seafarers sa mga passenger at cruise ships na nakatakdang dumaan sa Red Sea at Gulf of Aden.

Sa Department Order No.2 na nilagdaan ni DMW officer -in-charge Hans Leo Cacdac, nakasaad na lahat ng Filipino seafarers na naka-empleyo para sa passenger at cruise ships ay hindi dapat payagang maglayag sa dalawang bahagi ng katubigan na kamakailan ay kasama sa listahan ng high-risk areas at war-like zone.

Sa ilalim ng DO, ang mga lisensyadong manning agencies (LMAs) ay kinakailangang pumirma ng affirmation letter na gumagarantiya na ang barko na may sakay na Filipino seafarers ay hindi maglalayag sa Red Sea o sa Gulf of Aden.

Gayundin ang mga Filipino seafarers na nakalista bilang crew members ay dapat ding pumirma ng affirmation letter na nagpapakilala na ang kanilang sasakyang pandagat ay hindi papasok sa dalawang nabanggit na lugar.

Ang affirmation letter, kasama anga detalyadong itinerary ng sasakyang pandagat ay dapat isumite sa DMW sa panahon ng dokumentasyon ng mga kontrata sa pagtatrabaho ng mga tripulante o bago ang kanilang deployment.

Ito ay ia-upload sa Online Processing System ng DMW para sa Sea-based, kasama ang naprosesong Standard Employment Contract (SEC).

“The DMW remains steadfast in its commitment to safeguarding the well-being of Filipino seafarers. These measures reflect the DMW’s dedication to ensuring safe working conditions and protecting our seafaring workforce,”, ayon sa pahayag ng ahensya.

Noong nakaraang buwan, ang DMW ay naglabas ng alituntunin para sa LMA na dapat sundin kapag naitalaga ang mga Filipino seafarers sa barko na bibiyahe sa high-risk at conflict areas.

Sa ilalim ng DO number 1, inatasan ng DMW ang LMAs at kanilang acrredited principals o employers na ikonsidera na umiwas na dumaan sa Red Sea, ang Guld of Aden at kalapit na teritoryo.

Dapat din nilang ibigay ang ipinag-uutos na karagdagang kompensasyon at mga hakbang sa seguridad para sa mga Pilipinong marino na sumang-ayon sa ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa mga nabanggit na lokasyon.

Bukod dito, dapat ding bigyan ng sapat na panahon, oportunidad ang mga marino at paraan upang ipahiwatig ang kanilang layunin na magpatuloy sa paglalayag o tumanggi na sumakay sa barko sa nakatakdang pagdaan nito sa nabanggit na mga lugar.

Hinihiling din sa mga LMA na maayos na ipatupad ang desisyon ng mga amrino na gamitin ang kanilang karapatang tumanggi sa paglalayag sa mga lugar na may mataas na peligro at mga warlike zones.

Dapat din tiyakin ng mgha manning agencies ang kanilang agaran at ligats na pagpapauwi pabalik sa Pilipinas kung magpasya ang mga marino na gamitin ang karapatan ito .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)