Home OPINION PHILHEALTH AT PIA NAGKASUNDO SA PAG-PROMOTE NG KONSULTA PACKAGE

PHILHEALTH AT PIA NAGKASUNDO SA PAG-PROMOTE NG KONSULTA PACKAGE

LUMAGDA sa isang MOU o memorandum of understanding ang PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation at ang PIA o Philippine Information Agency para lalong mapalakas ang promosyon ng programang KONSULTA package ng health insurance corporation lalo na sa mga GIDA o geographically isolated and disadvantaged areas ng bansa.

Ang KONSULTA o  “Konsultasyong Sulit at Tama” ay ang expanded primary care benefits package ng PHILHEALTH kung saan libre ang pagpapakonsulta, health screening and assessment, alinman sa labinglimang laboratory tests at dalawampu’t isang gamot na kinakailangan ng pasyente batay sa pagsusuri ng isang doktor na accredited ng ahensiya.

Kapwa naniniwala ang PHILHEALTH at ang PIA na ki­nakailangang mapalaganap ang tamang impormasyon ukol sa programa at mga benepisyong dapat pakinabangan ng mga mamamayan bilang miyembro ng PHILHEALTH alinsunod sa Universal Health Care Law.

Nakasaad sa MOU na tutulong ang PIA sa pagbibigay ng paunang impormasyon sa mga gaganaping on-site registration para sa KONSULTA beneficiaries. Magiging regular ang ugna­yan ng dalawang ahensiya.

Kabilang din sa mahalagang probisyon ang pagpaparehistro ng mga empleyado ng PIA at kanilang mga dependent sa prog­rama, at promosyon sa lahat ng social media platforms, newsletter at instructional materials ng PIA.

Malaki ang paniniwala ni PHILHEALTH President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma, Jr. na makatutulong ang PIA sa pagpapaalam sa mas maraming Filipino ng prog­ramang KONSULTA para sa kanilang kapakinabangan.

Hinikayat ni PhilHealth PCEO Ledesma ang mga Filipino na magpakonsulta sa pamamagitan ng PhilHealth Konsultas­yon Sulit at Tama (Konsulta) Package kung sila may lagnat, ubo, sipon o anoman nararamdaman sakit sa katawan at Kung kinakailangan ng ating mga Kababayan na magpakonsulta, hinihikayat ko silang mag-avail ng libreng konsultasyon at mga gamot na irerekomenda ng healthcare provider sa ilalim ng PhilHealth Konsulta. Ang dapat lamang nilang gawin ay magparehistro”, aniya.

Ang PhilHealth Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama ay ang outpatient primary care benefit package na nagbibigay ng lib­reng konsultasyon, health screening at assessment, mga pi­ling laboratoryo at diagnostic tests, at mga gamot na irerekomenda ng doktor.