COTABATO CITY – Kinondena ng mga lider ng Simbahang Katoliko ang nangyaring pambobomba sa isang kapilya dito nitong weekend na ikinasugat ng dalawang babaeng nagsisimba.
“As a member of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Council of Leaders representing the Christian settler communities and as a Catholic Cardinal, I strongly condemn the grenade bombing of a Catholic chapel in Cotabato City,” ani retired Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, OMI, DD, sa isang pahayag.
“The crime is doubly condemnable when committed against neighbors gathered to worship God in a sacred place,” dagdag pa ni Quevedo.
Matatandaang nangyari ang pagbobomba sa Sr. Sto. Niño chapel, sa Purok Bagong Silang, Barangay Rosary Heights 3, bandang 10:30 a.m. nitong Linggo, May 19.
Nanawagan si Quevedo sa mga pwersang panseguridad, militar at investigative na tuntunin ang mga salarin.
Sinabi ni Fr. Benjamin Ariel Torreto ng Diocesan Clergy ng Cotabato, na may administratibong pangangasiwa sa binomba na kapilya, na nakakabigla ang insidente.
Sa oras ng insidente, ang mga lay minister ay nagsasagawa ng liturhiya nang walang pari, sabi ni Torreto.
Humigit-kumulang 20 katao ang dumalo upang ipagdiwang ang Pentecostes, o ang pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostol ni Hesus habang pinalilibutan nila si Blessed Mother Mary.
Kinilala ni tserman Kagui Omar Pasawilan ang mga sugatang residente na sina Maribel Abis, 46, at Aniceta Tobil, senior citizen. Santi Celario