Home NATIONWIDE Tsina sa G7: Internal affairs namin ‘wag pakialaman!

Tsina sa G7: Internal affairs namin ‘wag pakialaman!

BEIJING –  Sinita ng Chinese Foreign Ministry nitong Lunes ang pahayag na inilabas ng G7 Foreign Ministers hinggil sa sitwasyon sa South China Sea.

“The G7 foreign ministers’ meeting insisted on manipulating the China-related agenda, ignoring the facts and confusing right from wrong, wantonly interfering in China’s internal affairs,” ani Wang Wenbin, spokesperson, Chinese Foreign Ministry, sa isang press conference.

Kasabay nito, sinabi ng Tsina sa G7 na iwasan dapat nitong makialam sa mga panloob na isyu at maliitin ang pag-unlad ng mga bansa.

Sa isang communique pagkatapos ng kanilang ministerial meeting sa Italy noong Biyernes, ang G7 Foreign Ministers ay nagpahayag ng kanilang pagtutol sa “mapanganib” na mga aksyon ng Beijing sa South China Sea, isa sa mga pinaka-abalang daluyan ng tubig sa mundo, na ilang bahagi nito ay inaangkin ng China.

“We continue to oppose China’s dangerous use of coast guard and maritime militia in the South China Sea and its repeated obstruction of countries’ high seas freedom of navigation and we express serious concern about the increasing use of dangerous maneuvers and water cannons against Philippine vessels in this regard,” saad ng G7.

Ang Group of Seven (G7) ay isang impormal na pagpapangkat ng pito sa mga advanced na ekonomiya sa mundo, kabilang ang Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at United States, gayundin ang European Union (EU). RNT