Home METRO #WalangKuryente sa Ermita, Taguig, Bulacan, Quezon, Laguna, Cavite sa Hunyo 23

#WalangKuryente sa Ermita, Taguig, Bulacan, Quezon, Laguna, Cavite sa Hunyo 23

MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang parte ng Ermita at Taguig sa Metro Manila, Santa Maria sa Bulacan, Tiaong sa Quezon, Biñan sa Laguna, at Carmona sa Cavite ng power service interruptions sa Hunyo 23 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abisong naka-post sa website, sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) na magsasagawa ito ng replacement of poles, line reconductoring, at reconstruction works sa kahabaan ng Jorge Bocobo, Engracia Reyes, Padre Faura, Adriatico at Antonio Flores Streets sa Ermita, Manila.

Apektado sa pagitan ng 8:30 a.m. at 9 a.m. at sa pagitan ng 3 p.m. at 3:30 p.m. ang :

  • Bahagi ng United Nations Avenue mula A. Mabini Street hanggang Abenida Maria Orosa Street.

  • Bahagi ng San Carlos Street mula United Nations Avenue hanggang Kalaw Avenue.

  • Bahagi ng Churucca Street mula United Nations Avenue hanggang malapit sa Kalaw Avenue.

  • Bahagi ng Kalaw Avenue mula Abenida Maria Orosa Street hanggang Gen. Luna Street.

  • Bahagi ng Padre Faura Street mula Abenida Maria Orosa Street hanggang Leon Guinto Street.

  • Bahagi ng Taft Avenue mula Padre Faura Street hanggang malapit sa Apacible Street.

Apektado sa pagitan ng 8:30 a.m. ay 3:30 p.m. ang:

  • Bahagi ng Jorge Bocobo Street mula United Nations Avenue hanggang Padre Faura Street.

  • Bahagi ng Arquiza Street mula Grey Street hanggang Jorge Bocobo Street.

  • Bahagi ng Grey Street mula Antonio Flores Street hanggang Arquiza Street.

  • Bahagi ng Padre Faura Street patungong Adriatico Street hanggang Leon Guinto Street.

  • Bahagi ng Adriatico Street mula Padre Faura Street hanggang Pedro Gil Street.

  • Bahagi ng Pedro Gil Street mula Adriatico Street hanggang L. M. Guerroro Street.

  • Bahagi ng Engracia Reyes Street mula Jorge Bocobo Street hanggang Abenida Maria Orosa Street.

  • Bahagi ng Abenida Maria Orosa Street mula Padre Faura Street hanggang United Nations Avenue.

Magkakaroon din ng line reconstruction works sa Blocks 33 at 34 sa Enlisted Personnel Village 1, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Apektado sa pagitan ng 8 a.m. at 11 a.m. ang:

  • Bahagi ng Enlisted Personnel Village 1 and SSB De Ville Subdivision; Eucalyptus, Kakawati, LRT, Manggahan, Sampaguita, and Sampaloc Streets sa Sto. Niño; at Kalachuchi Street.

Gayundin, ikakasa ng Meralco ang line reconductoring works sa kahabaan ng Kaybitin Road sa Barangay San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan.

Apektado sa pagitan ng 12:01 am at 5 a.m. ang:

  • Bahagi ng Kaybitin Road mula Gov. Fortunato Halili Road hanggang Camangyanan Road saklaw ang Camangyanan Elementary School; Purok Looban, Sampalucan, Ibayo, Ligtasin, Salvador, D. Miguel, Porciuncula, at Matias Streets sa Barangays San Gabriel at Camangyanan.

Kasado rin ang installation at retirement of facilities sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangays Lumingon, Lusacan, at Talisay sa Tiaong, Quezon Province.

Apektado sa pagitan ng 2 a.m. at 7 a.m. ang:

  • Bahagi ng Maharlika Highway mula Caltex Gas Station kasama ang Sitio Villa Juanita, Abenina Subdivision, Adamber Subdivision, Alvarez Village, Del Garces Subdivision, Gardenville Subdivision, Sitio Mhujarleca, Sitio Villa Marasigan, Sitio Villanosa (Old Gardenvill), Sitio Villarosa, and Villa Consolacion Village; Adamber, Maligaya, Pitong-Gatang, at Versatile Streets sa Barangays Lumingon, Lusacan, Palagaran, at Talisay.

Isasagawa naman ng Meralco ang line reconstruction works sa Barangay San Francisco, Biñan City, Laguna; at Barangay Mabuhay, Carmona City, Cavite.

Apektado sa pagitan ng 9 a.m. at 10:30 a.m.:

  • Bahagi ng Silcas Village sa Barangay San Francisco, Biñan City, Laguna.

Apektado sa pagitan ng 11 a.m. at 12:30 p.m.:

  • Bahagi ng  J. M. Loyola Street malapit sa Juanito Remulla Sr. Road (Governor’s Drive) sa Barangay Mabuhay, Carmona City, Cavite. RNT/SA