Home HOME BANNER STORY ₱100-M smuggled agri products nasamsam sa Subic Port

₱100-M smuggled agri products nasamsam sa Subic Port

269
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang mga smuggled na produktong agrikultura na nagkakahalaga ng ₱100 milyon sa Subic Port, Zambales.

Mula sa 59 na shipment mula China, 31 ang hindi pumasa sa inspeksyon, kabilang ang frozen fish, carrots, at onions na maling dineklara bilang chicken lollipops at karaage nang walang import permit.

Tinatayang umaabot sa ₱300 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na shipment, ayon sa BOC.

Sasailalim ang mga ito sa pagsusuri upang matiyak ang kaligtasan; kung malinis, maaaring ipamahagi ito sa mga mahihirap na pamilya sa pahintulot ng Pangulo.

Binalaan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang smuggling sa agrikultura ay banta sa pambansang seguridad dahil naapektuhan nito ang mga magsasaka, ekonomiya, at kalusugan ng publiko.

Nakikipag-ugnayan ang mga ahensya para panagutin ang mga sangkot sa ilalim ng mga kaukulang batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here