MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Sundig, Taraka, Lanao del Sur noong Mayo 23, 2025.
Naaresto si Alyas Tammy/Macar, 53, mula Barangay Dimayun, at kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA-BARMM.
(c) Danny Querubin
Ayon kay Director Gil Cesario Castro, patunay ito ng matibay na kooperasyon ng mga ahensya sa laban kontra ilegal na droga sa rehiyong Bangsamoro. RNT