SA isang panahon kung kailan ang pagpapagamot ng karamdaman ay madalas inuugnay sa mataas na gastusin, may isang doktor na patuloy na nagbibigay- liwanag sa mga pasyente na walang kakayahang magbayad. Siya si Dr. Robert Sy, kinikilalang βhumanitarian doctorβ na mula pa noong 1973 hanggang sa kaΒsalukuyan ay hindi kailanman naningil ng professional fee (PF) para sa kanyang serbisyo. Sa loob ng mahigit limang dekada, nanatili siyang tapat sa kanyang pangako na nagsimula sa inspirasyon ng kanyang ama.
Noong kanyang kabataan, abogasya ang kanyang pangaΒrap. Ngunit dumating ang isang sandaling binago ng kanyang ama ang takbo ng kanyang landas.
Sa payo nito, napagtanto niΒyang imbes na nakalaan sa paglilitis, nagbago ang kanyang misyon – maging doktor, at magΒlingkod nang walang hinihinging kapalit.
At mula nga noong 1973, naΒnindigan siya sa pangakong iyon. Hanggang ngayon, wala ni isang pasyente ang nakatikim ng siΒngil para sa kanyang professional fee.
Naging matatag na katuwang si Dr. Sy ng Chinese GeneΒral Hospital and Medical Center (CGHMC), isa sa mga pinakamaΒtandang ospital sa Pilipinas na pinatatakbo mula sa mga donasyong pangkawanggawa. Sa loob ng mahigit kalahating siglo, hinubog siya ng ospital na ito at siya rin ay naging malaking baΒhagi ng kasaysayan nito.
Naging resident surgeon siΒya noong 1977 at naitalagang chief resident surgery noong 1980.
Mula 2005 hanggang 2018 ay nagsilbing associate medical director at noong 2016 ay naitalagang senior vice president for hospital infrastructure management and construction.
Kasabay ng kanyang tungΒkulin bilang manggagamot, giΒnamΒΒpanan din niya ang ibaβt ibang liderato sa ospital, palatandaan ng kanyang dedikasyon hindi lamang sa mga pasyente kundi paΒti na rin sa institusyon at kapwa manggagamot.
Hindi natatapos ang kanΒyang misyon sa loob ng ospital. Aktibong lumalahok si Dr. Sy sa ibaβt ibang medical mission at nagsaΒsagawa ng minor surgeΒries kaΒΒtulad ng pagtanggal ng cyst para sa mga pasyenteng walang kakayahang magbayad.
Para sa kanya, walang maΒliit o malaking operasyon, lahat ng pasyente ay pantay na kaΒrapat-dapat sa atensyon at pag-aaruga.
Libo-libong buhay na ang kanΒΒyang naoperahan, tinulungan, at pinagaling. Ang ilan ay manggagawa, ang ibaβy simpleng magulang, at marami ay kapus-paΒlad na kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi kailanman nakalapit sa serbisyong medikal.
Maliban sa CGHMC, aktibo rin si Dr. Sy sa ibaβt ibang organisasyon na kilala sa mga gawaing pangkawanggawa kabiΒlang ang Lions Club International Foundation District 301-A1, Tzu Chi BuddΒhist Foundation PhiΒlippines, Philippine Red Cross β Manila Chapter, University of the Philippines Alumni AssoΒciation, Inc., Chiang Kai Shek ColleΒge Alumni Association, Manila Chinese Action Team, at Aloha Medical Mission na nakabase sa Honolulu, Hawaii kung saan siya ay designadong Philippine chief coordinator.
Sa rami ng kanyang mga naoperahan at natulungan, si Dr. Sy ay hindi lamang basta manggagamot; siya ay naging buhay na simbolo ng pag-asa. Sa panahon kung kailan nagiging isang βmoney-making businessβ na ang serbisyong pangkalusugan, pinatunayan niyang posible pa ring umiral ang ganap na malasakit, at isang pagseserbisyong walang hinihinging kapalit.
Hanggang sa kasalukuΒyan, tumitindig si Dr. Sy bilang huwaran ng propesyonalismo at tunay na malasakit. Ang kanΒyang mahigit kalahating siglo ng libreng paglilingkod ay nagsilbing patunay na ang tunay na kayamanan ng isang doktor ay hindi nasusukat sa laki ng kanyang kinikita, kundi sa rami ng buhay na kanyang nailigtas at natulungan.
Sa bawat operasyong isiΒnaΒgawa, sa bawat pasyenteng natulungan, at sa bawat misyon ng pag-asa, ipinakikita ni Dr. Sy na ang tunay na tagumpay ng isang manggagamot ay makikita sa ngiti at ginhawa ng kanyang kapwa na masusuklian ng isang simpleng pasasalamat at pagtulong din sa kapwa.
Si Dr. Sy ay hindi lamang nagΒbigay-kaluwagan sa mahal na pagpapagamot, kundi nagbiΒgay ng kayamanang higit pa sa pera – pag-asa, buhay, at insΒpirasyon.





