Home OPINION 0NLINE SCAM NGAYONG KAPASKUHAN BABANTAYAN NG DICT

0NLINE SCAM NGAYONG KAPASKUHAN BABANTAYAN NG DICT

272
0

BINIGYAN ng direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na patuloy na labanan ang online scammers upang maging kampante ang publiko sa paggamit ng online transactions ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, ang kagustuhan ng Pangulo ay kapag may online transaction ngayong Kapaskuhan ay walang alalahanin ang publiko lalo pa’t lubhang mataas ang paggamit ng credit card at online payment sa panahong ito.

Bilang tugon sa utos ni Pa­ngulong BBM, nakipag-ugnayan ang DICT sa Global Anti-Scam Alliance, Globe Telecom, at iba pang telecommunication compa­nies para isakatuparan ang naturang programa.

Sa paglaban sa pekeng ba­lita o fake news, inihayag ni Secretary Aguda na nagkaroon ng pagpupulong noong Setyembre 19, 2025, kasama ang mga Telcos at social media platforms upang pag-usapan ang content moderation. Ayon sa kalihim, pinag-aaralan pa itong mabuti upang mas maunawaan ang kon­teksto sa Pilipinas.

Dapat suriin ang pinagmulan – Maghanap ng mga artikulo mula sa mga kilalang reputable outlet, pinagkakatiwalaang orga­nisasyon ng balita.
Maging maingat sa mga hindi gaanong kilalang website.

Tingnan tungkol sa organi­sasyon, misyon nito, at mga pa­mantayang pang-editoryal ni­to. Maghanap ng Sumusuportang Ebidensya – Tingnan kung anong lumalabas na balita mula sa ibang mga media outlet ng balita kung pareho ang kuwento. Kung isang source lang ang sumasakop dito, mag-alinlangan.

Ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang magiging pangunahing ahen­sya sa paglaban sa fake news, lalo na sa mga deepfakes na nagiging sanhi ng panlilinlang sa publiko.

Bukod dito, magiging inter- agency ang pagkilos ng DICT kasama ang Department of Budget and Management, Department of Social Welfare and Development, Bureau of Customs, at Department of Public Works and Highways upang ma­siguro ang epektibong pagpapatupad ng kampanya laban sa online scams.

Nakapagtala ang Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group ng nasa 1,334 na online selling scams mula Ja­nuary 2025 hanggang nitong August 2025. Inaasahan na marami ang magtatangkang mag-online scam ngayong Ka­paskuhan kaya pinag-iingat ang publiko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here