Home HOME BANNER STORY 1.6-M Pinoy umahon sa kahirapan sa 4Ps

1.6-M Pinoy umahon sa kahirapan sa 4Ps

94
0

MANILA, Philippines – Mahigit 1.6 milyong pamilyang Pilipino na ang nakaahon mula sa kahirapan sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sa halos 18 taon ng pagpapatupad nito, mahigit 1.6 milyong pamilya na ang nakamit ang tinatawag na self-sufficiency.

“Throughout its almost 18 years of implementation, the 4Ps has helped over 1.6 million families to rise from poverty,” pahayag ni Dumlao.

Dagdag niya, patunay ito ng layunin ng pamahalaan na putulin ang intergenerational poverty at tulungan ang mga pamilyang mahihirap na maging self-reliant.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang conditional cash transfer program na tumutulong sa mga low-income household sa pangangailangan sa kalusugan at edukasyon. Sinusuri ang mga benepisyaryo gamit ang Social Welfare and Development Indicator (SWDI) na naghahati sa kanila sa survival, subsistence, at self-sufficient levels.

Batay sa DSWD, ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamaraming nakapagtapos sa programa na may mahigit 174,000 pamilya, sinundan ng National Capital Region, Ilocos Region, Calabarzon, at Central Luzon.

Ipinapatupad din ang 4Ps Kilos-Unlad Social Case Management Strategy upang matulungan ang mga pamilya na makaalis sa programa at maikonekta sa iba pang serbisyo ng gobyerno at pribadong sektor.

Pinararangalan ang mga nagtatapos sa pamamagitan ng “Pugay Tagumpay” ceremonies kung saan tumatanggap sila ng sertipiko ng pagkilala, habang ang kanilang case folders ay isinasalin sa mga lokal na pamahalaan para sa patuloy na suporta.

Ayon sa DSWD, ipagpapatuloy nito ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang mga tagumpay sa pagbawas ng kahirapan, alinsunod sa layunin ng administrasyong Marcos na gawing single digit ang poverty incidence pagsapit ng 2028. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here