Home METRO 1-anyos tigok sa rescue vehicle na may bitbit na relief goods

1-anyos tigok sa rescue vehicle na may bitbit na relief goods

146
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng mabundol ito ng isang rescue vehicle na may kargang relief goods kahapon sa Barangay Sabang Piris, sa Buenavista, Quezon.

Nagtamo ng head injuries ang biktima na idiklerang wala nang buhay ng dumating sa Magsaysay Memorial District Hospital sa Lopez, Quezon.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Buenavista Police Station sa naganap ang insidente ng dakong alas-9:05 ng umaga ng Sabado, Hulyo 27.

Napag-alamang kasama ng biktima ang kanyang nakatantandang kapatid na babae nang biglang tumawid sa pedestrian lane patungo sa tindahan para bumili ng pagkain kung saan aksidenteng mabundol ang biktima.

Base sa awtoridad na hindi napansin ni alyas Jayson, 36, may-asawa, official driver ng rescue vehicle Toyota Hilux na may plakang NFR -5590 ang pagtawid ng biktima.

Napag-alamang may dalang relief goods ang rescue vehicle na idedeliber din sana sa nasabing lugar. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here