Home NATIONWIDE 1 patay, 172 nasagip sa nasunog na ferry sa Bali

1 patay, 172 nasagip sa nasunog na ferry sa Bali

1
0

INDONESIA – Nasagip ng mga awtoridad sa Indonesia ang 172 indibidwal na sakay ng ferry na bumibiyahe mula sa tourist island na Bali sa dagat na sakop ng Lombok.

Sa ulat, ang KM Putri Yasmin ferry ay umalis sa Padangbai port sa Bali patungo sa Lembar port sa Lombok, West Nusa Tenggara, ayon kay Muhammad Hariyadi, pinuno ng local rescue agency.

Ang insidente ay nangyari sa Lombok Strait bandang 4:39 ng umaga ng Miyerkules, Agosto 12.

Hanggang nitong hapon ng Miyerkules, isa ang iniulat na nasawi at 172 ang nailigtas at dinala sa mga pantalan sa Bali at Lombok.

Sa mga survivor, isa ang Australian at ang natitira ay mga Indonesia.

“We have deployed some boats to carry out the evacuation and coordinate with other boats surrounding the location of the incident,” sinabi ni Hariyadi.

Aniya, mahigit 200 tauhan ang ipinadala para sa operasyon.

Hindi pa malinaw kung bakit nasunog ang ferry o kung may isyu rin ng overcrowding.

Sa naunang ulat kasi ay sinabi na 114 pasahero at 17 crew lamang ang nakarehistro sa manifest ng ferry. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here