Home HOME BANNER STORY 1 patay, 347 pamilya inilikas sa baha sa Davao City

1 patay, 347 pamilya inilikas sa baha sa Davao City

81
0

MANILA, Philippines – Isa ang nasawi matapos lumubog sa baha ang 11 barangay sa Davao City bunsod ng malalakas na ulan noong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang pagbaha ay dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan na hatid ng intertropical convergence zone (ITCZ) at easterlies na nakaapekto sa ilang lugar sa lungsod.

Nasawi ang isang 21-anyos na lalaki na gas station attendant matapos makuryente at malunod sa baha sa New San Isidro, Buhangin.

Umabot sa dibdib ang taas ng tubig-baha sa ilang lugar kaya karamihan sa mga residente ay inilikas.

Aabot sa 347 pamilya ang inilikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha, ayon kay Rudy Encabo ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office sa panayam sa Davao City Disaster Radio.

Sa Barangay Cabantian, nagkaroon ng pagguho ng lupa sa isang subdivision na bahagyang tumabon sa isang sasakyan.

Bumigay din ang Callawa-Mandug Bridge dahil sa malakas na agos ng tubig-baha.

Kinansela ang pasok sa trabaho at paaralan sa buong lungsod dahil sa malawakang pagbaha. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here