Nagsimula na ang pagdinig sa Senado matapos dumating umano’y 18 ex-Marines na tetestigo sa Blue Ribbon Committee hearing na itinakda sa ilalim ng Chairmanship ni Senador Pia Cayetano.Kasama si Senador Alan Cayetano, Senador Imee Marcos, Senador Rodante Marcoleta, at Senador Robin Padilla sa naturang hearing. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Matapos ma-detain sa reklamong perjury, nakalaya na ang 10 ‘maleta boys’ na nagpapakilalang mga dating bodyguard ni Zaldy Co, matapos makapagpiyansa nitong Sabado, Agosto 8.
Ang 10 bodyguard ay nakitang lumabas ng Las Piñas City Police Station.
Inanunsyo na rin ng abogado ng mga bodyguard na si Atty. Levito Baligod ang matagumpay na pagpiyansa sa mga ito, kasabay ng pagpapasalamat sa korte sa pagproseso rito.
“Naka-pyansa at nakalabas na po ang B14 (Brave 14),” ani Baligod.
Sampo sa mga maleta boys ang inaresto noong Biyernes matapos bigong makapagpiyansa.
Samantala, ang tatlo iba pa ay matagumpay na nakapagpiyansa sa tamang oras dahilan upang hindi hulihin ang mga ito.
Orihinal na 18 ang mga nagpakilalang dating bodyguard na nagdiin ng iba’t ibang personalidad sa korapsyon sa flood control.
Sila rin ang nagdawit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa sa mga tumanggap ng cash na kanilang inihatid gamit ang mga maleta.
Sa kabila nito ay apat sa mga ito ang nagbawi ng kanilang mga testimonya. RNT/JGC