Home NATIONWIDE 10 pang gamot sa diabetes, cancer at iba pang sakit VAT-free na!

10 pang gamot sa diabetes, cancer at iba pang sakit VAT-free na!

MANILA, Philippines – Nagdagdag ang Food and Drug Administration (FDA) ng higit pang mga gamot para sa cancer, diabetes, high cholesterol, hypertension, at mental illness sa listahan nito ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT).

Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2025-0510 na may petsang Hunyo 4, isinama ng FDA ang dalawang gamot para sa cancer, dalawa para sa diabetes, isa para sa high cholesterol, dalawa para sa hypertension, at tatlo para sa sakit sa pag-iisip.

Para sa cancer, ang mga gamot na kasama sa VAT exemption ay:

Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsule (20 mg/5.8 mg/19.6 mg)

Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsule (25 mg/7.25 mg/24.5 mg)

Para sa diabetes, exempted din sa VAT ang sumusunod na mga gamot:

Metformin Hydrochloride + Teneligliptin extended-release tablet (bilang hydrobromide hydrate) (1 g/20 mg)

Metformin Hydrochloride + Teneligliptin extended release tablet (bilang hydrobromide hydrate) (500 mg/20 mg)

Para naman sa cholesterol ang mga sumusunod na gamot:

Atorvastatin (bilang calcium) + Fenobribrate film-coated tablet (20 mg/160 mg)

Sa hypertension, ang mga gamot ay kabilang ang mga sumusunod:

Metoprolol tartrate + Ivabradine film-coated tablet ( bilang hydrochloride) (50 mg/5 mg)

Metoprolol tartrate + Ivabradine film-coated tablet (as hydrochloride) (25 mg/5 mg)

Samantala, ang mga gamot para sa included mental illnesses ay;

Lamotrigine dispersible/chewable tablet (5 mg)

Lamotrigine oral dispersible tablet (25 mg)

Lamotrigine tablet (25 mg)

Inalis naman sa listahan ng FDA ang gamot na Baricitinib (2 mg at 4 mg) para sa cancer. Jocelyn Tabangcura-Domenden