Home HOME BANNER STORY 10 pulis-Angono inireklamo ng criminology student sa hulidap

10 pulis-Angono inireklamo ng criminology student sa hulidap

220
0

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang criminology student laban sa 10 pulis mula sa Angono, Rizal na umano’y nangikil sa kanya at pwersahang pinaamin sa pagiging isang drug supplier.

Sa ulat, pinara ng drug enforcement unit ng Angono Police ang dalawang pasahero ng motorsiklo sa San Isidro, Angono, Rizal noong Nobyembre 2025.

Inakusahan ng pulis ang mga ito na sangkot sa aktibidad sa illegal na droga.

Ilang minuto ang nakalipas, pinara ang complainant na si Nestor Macabenta Jr. ng mga pulis na nagsabing itinuturo siyang supplier ng illegal na droga sa nasabing mga pasahero ng motorsiklo.

“They are forcing me to admit that I am a drug provider while I deny their allegations. They repeatedly hurt me until they put a bag over my head, which is why I was forced to confess,” ani Macabenta.

Idinagdag pa na kinumpiska ng mga pulis ang kanyang gintong singsing at dinala sa presinto saka pinagbayad ng P50,000 upang hindi na isampa ang reklamo laban sa kanya.

Nagpadala ng pera sa e-wallet account ng isa sa mga pulis ang kapatid ng biktima ngunit hindi pa rin ito pinakawalan.

“They took a photo of the **** receipt and then deleted it. Then, they showed me that no money was sent and told their companion, ‘Look, no money was sent… lock him up already.’” sinabi ni Macabenta.

Ang estudyante ay pinakawalan noong Enero matapos ibasura ng korte ang reklamong inihain laban sa kanya ng mga pulis.

“The police officers I used to admire ended up doing this to us.”

Naghain ng reklamo si Macabenta laban sa 10 pulis na nagtanim ng ebidensya laban sa kanya.

“The National Police Commission means business, we will put a stop to it. And we will teach these policemen the word accountability, we will teach these policemen the word justice,” ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rafael Calinisan.

Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na nakaranas si Macabenta ng hulidap at ang una ay noong 2024 nang hulihin din siya ng kaparehong mga pulis na nanghuli sa kanya noong nakaraang taon.

Ani Macabenta, tinarget siya ng mga pulis dahil ang kanyang ama ay sangkot sa illegal na droga.

Wala pang pahayag ang mga pulis sa sangkot sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here