MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na 100% ng 94,000 voting precincts sa buong bansa ay nagsimula nang magsilbi sa 68 milyong botante na magpapaboto para sa halalan 2025.
Nagsimula ang botohan alas-5 ng umaga habang ang regular voting ay alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, sinabi ni Garcia na ilang polling precincts ang nakaranas ng delay sa pagbubukas sa ilang dahilan partikular sa Mindanao area.
Wala namang problema sa election paraphernalia at mga makina ayon kay Garcia.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) ang mga pagkaantala sa ilang polling centers para sa election 2025 dahil sa technical glitches at power interruptions.
Naiulat ang mga pagkaantala sa Central Luzon, Northern Mindanao, Cordillera Administrative Region, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden