CEBU City, Philippines – Isang vintage bomb na may bigat na 1,000 pounds ang natagpuan sa isang construction site sa Barangay Tinago, noong Martes ng umaga, Hulyo 8.
Natagpuan ang vintage bomb habang naghuhukay ang backhoe operator na si Eric Bacus, 46, sa loob ng compound ng Commission on Audit-Central Visayas (COA-7).
Humingi ng tulong ang mga tauhan ng COA-7 kina Police Patrolmen Joseph Caṅarejo at Mark Jason Delima na naka deploy malapit sa lugar.
Ang mga tauhan ng Regional Explosives and Canine Unit (RECU-7), sa pangunguna ni Police Lt. Joel Taboada, ay rumesponde at tumulong sa pagkuha ng vintage bomb.
Idineklara nang ligtas ang lugar matapos na mabawi ang vintage bomb. RNT/MND