Home METRO 10,277 bakanteng trabaho alok sa Malabon

10,277 bakanteng trabaho alok sa Malabon

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng mga hakbangin ng pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa ikabubuti ng buhay ng mga residente, pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang isa pang Mega Job Fair sa lungsod na nag-alok ng 10, 227 na bakanteng trabaho mula sa 81 lokal at ibang bansa na kumpanya at recruitment agencies sa Malabueño na naghahanap ng trabaho.

Kuha ni Jojo Rabulan

Pinangunahan ng Malabon City Public Employment Service Office (PESO) ang aktibidad sa Malabon Amphitheatre, Barangay San Agustin, mula 9 AM hanggang 4 PM noong Biyernes.

Alinsunod sa pagdiriwang ng Women’s Month, mayroon ding food bazaar ang Mega Job Fair kung saan itinampok ang iba’t ibang produkto ng Malabueño businesswomen gayundin ang iba pang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod.

“This Mega Job Fair, paano natin masasabing kakaiba ito? Dahil ito ay ‘Trabaho, Pangkabuhayan, at Negosyo,’ na gaganapin ngayong araw ng Biyernes. Hindi lang tayo nakafocus kung saan magkakaroon tayo ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho, pero binibigyan din natin ng pansin. ng opportunity ang ating mga manggagawa o may mga hanapbuhay, mga MSME natin, may mga livelihood program, kung saan maisho-showcase nila ang kanilang produkto,” ani PESO Head Ms. Luziel Balajadia.

Ayon kay Ms. Balajadia, may mga overseas recruitment agencies na lumahok sa event, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho na makapagtrabaho sa ibang bansa kabilang ang mga bansang Japan, Oman, Kingdom Of Saudi Arabia, Germany, Canada, Taiwan, At Qatar.

Ang mga Malabueño na naghahanap ng trabaho ay maaaring mag-aplay para sa mga trabaho sa nasabing mga bansa bilang mga Nurse, Kitchen Staff, Salesmen, Production Sewing Machine Operators, Restaurant Managers, Bartenders, Supervisor, Teachers, Technicians, at Construction Workers, Cooks, Welder, Waiters at Waitresses, at iba pa.

Idinagdag pa ng PESO head na karamihan sa mga inaalok na trabaho ay “blue collar job,” na nangangahulugang kahit sino ay maaaring mag-apply at hindi lamang ang mga may supervisory-level na karanasan sa trabaho.

Mayroon ding mga lokal na kumpanya na nagbukas ng mga pagkakataon para sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho bilang Chemical Engineers, Mechanical Engineers, Accountant, Clerk, Messenger, Welder, Carpenter, Mason Machine Operators, Fork Lift Operators, Baggers, Promodisers, Packers, Delivery Helpers, Production Workers, at iba pa.

Ito na ang ikalimang Mega Job Fair na isinagawa ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval.

“Malaking tulong ang mga Mega Job Fair mabigyan ng trabaho ang mga Malabueñong nangagailangan. Tuloy-tuloy po tayo sa pagbibigay ng mga programa para sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani Mayor Jeannie. RNT

Previous articleDragon Ball creator pumanaw na!
Next articleP28 flight alok sa ika-28 anibersaryo ng Cebu Pacific