MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na 109 pantalan sa buong bansa na ang apektado ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.
Ngayong umaga, sinabi ng PCG na kabuuang 6,679 pasahero, drivers at cargo helpers ang hindi makabiyahe bunsod ng umiiral na sama ng panahon.
Bukod dito, stranded din ang 3,249 rolling cargoes, 82 vessels at 23 motorbancas sa ibat-ibang pantalan sa bansa.
Samantala, nakasilong naman sa ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang aberya sa gitna ng karagatan ang 447 pang vessels at 316 motorbancas.
Nanatiling nakataas ang alerto ng PCG kung saan ang kanilang tauhan at assets at nakadeploy sa mga lugar na apektado ng bagyong Uwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden