Home NATIONWIDE 10K MT ng bigas inihanda ng NFA sa ‘Bigas 29’ program

10K MT ng bigas inihanda ng NFA sa ‘Bigas 29’ program

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Food Authority (NFA) na nakahanda na umano ang halos 10,000 metric tons ng bigas para sa distribusyon sa mga bulnerableng sektor sa ilalim ng ‘Bigas 29’ program ng pamahalaan.

Sa QC Journalist forum nitong Huwebes, Hunyo 27 aminado si NFA administrator Larry Lacson na halos 10,000 metric tons ng bigas lang ang kaya nilang ikasa sa unang implementasyon ng programa.

Sinabi pa ni Lacson sa kabila ng pagtantya ng Department of Agriculture na mangangailangan ng 60,000 metric tons kada buwan para i-sustain ang pagbebenta ng murang bigas sa mga PWDs, buntis at iba pang bulnerableng sektor.

Ani Lacson, gagawing per phase ang implementasyon ng programa.

Kaugnay nito, sampung kilo per household ang ibibigay kada buwan sa ilalim ng ‘Bigas 29.’

Mabibili umano ang murang bigas sa mga piling Kadiwa stores sa buong bansa.

Aniya, sa initial pilot lang magsusuplay ang NFA sa programa habang ang DA na ang bahalang maghanap ng susunod na supply para sa ‘Bigas 29’ program.

Titiyakin naman aniya ng NFA na maganda ang kalidad ng ipapamahaging bigas.

Ani Lacson, bagamat aging rice ang ibebenta, gagawa sila ng paraan para magandang klase ang maibebenta sa mga benepisaryo ng programa. Santi Celario