Home NATIONWIDE 10K trolls vs PH sa WPS, namonitor ng PCG

10K trolls vs PH sa WPS, namonitor ng PCG

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakapagmonitor ito ng kabuuang 10,000 na umano’y trolls na kumukontra sa paglaban ng Pilipinas sa karapatan sa West Philippine Sea.

“When we started the transparency initiative, we can only monitor somewhere around 1,000 trolls,” ayon kay PCG spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela sa isang forum.

“But right now, the trolls in the social media platforms have already increased more than tenfold. In short, there are now 10,000 social media accounts that we are monitoring that counters our position in the WPS,” dagdag pa niya.

Ani Tarriela, ang mga troll na ito ay nag-ooperate sa tatlong lebel bilang influencer o initiators, disseminators, at reposters.

Aniya, ang mga troll ay nagsasabing walang legal na basehan ang Pilipinas at pinapalala lamang nito ang tensyon sa WPS.

Ipinupunto rin nito na ang Estados Unidos ang nangunguna para makipaglaban ang Pilipinas sa WPS. RNT/JGC