Home METRO 11-anyos sugatan sa saksak ng kapwa mag-aaral sa Davao City

11-anyos sugatan sa saksak ng kapwa mag-aaral sa Davao City

1
0

DAVAO CITY – Sugatan ang isang 11-anyos na estudyante matapos umanong saksakin ng kapwa mag-aaral sa loob ng isang pampublikong paaralan sa Barangay 76-A, Davao City bago magtanghali nitong Miyerkules, Oktubre 21.

Ayon sa Davao City Police, 13-anyos naman ang estudyanteng itinuturong responsable sa pananaksak.

Sa mga video na kumalat sa social media, makikita ang binatilyo sa loob ng school campus habang may hawak na kutsilyo matapos ang insidente.

Kinumbinsi siya ng mga tao at pulis na ibaba ang armas hanggang sa maagaw ng isang pulis ang kutsilyo.

Isinugod ang 11-anyos na biktima sa Southern Philippines Medical Center para sa agarang gamutan.

Dinala naman ang 13-anyos na estudyante sa Women and Children’s Desk ng Ecoland Police Station para sa kaukulang proseso.

Ayon kay Davao City Police spokesperson Lt. Col. Maria Teresita Gaspan, parehong Grade 5 students ang dalawang menor de edad ngunit hindi sila magkaklase.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng pananaksak.

Inaalam din ng pulisya kung paano nakapasok sa loob ng paaralan ang kutsilyong ginamit sa insidente.

Hindi inilabas ang pagkakakilanlan ng dalawang menor de edad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here