Home NATIONWIDE 11 bayan sa Bulacan apektado ng baha

11 bayan sa Bulacan apektado ng baha

258
0

Bulacan – Maraming mababang lugar o baybayin sa 11 bayan ng lalawigang ito ang binaha matapos bumayo ang bagyong Kristine kasabay ang high tide at pagpapakawala ng tubig sa mga dam.

Sa report, ilang mababang lugar ang nalubog sa baha bandang 1:00 ng madaling araw nitong Oktubre 25 sa kasagsagan ng bagyong Kristine na itinaas sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 2.

Bandang 2:31 ng madaling araw ay lalong lumalim ang tubig-baha nang lumusob ang tubig-dagat o alat dulot ng high tide na may taas na 3.9 FT.

Nalamang ang Ipo dam na nasa 100.82 m lebel ng tubig ay nauna nang nagpakawala ng tubig nitong Oktubre 24 ng 47.90 cms habang ang Bustos dam na nasa 16.63 m level ay nagpakawala ng 192 cms na tubig.

Binaha rito ang ilang mababang lugar sa bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan at Obando.

Dahil dito, ilang mga kalsada ang hindi madaanan ng maliliit na sasakyan gaya ng Brgy. Panginay sa pagitan ng bayan ng Guiguinto at Balagtas habang ganoon rin ang Brgy. Ubihan, Meycauayan sa pagitan ng Bulakan at Obando na may lampas-tuhod na lalim na tubig-baha.

Sinasulat ito, bandang 2:00 ng hapon ng Biyernes, ang lalawigan ay kasalukuyang nasa ilalim ng TCWS No. 1 dulot nang papalayong bagyong Kristine.

Pinapayuhan ng kinauukulan ang publiko na maging alerto sa posibilidad na pagbaha lalo na sa mga mababang lugar. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here