IPINAHAYAG ng Bureau of Customs (BOC) na natagpuan na nila ang lahat ng labindalawang mamahaling sasakyan na sakop ng search warrant laban sa St. Gerrard Construction firm ng pamilya Discaya sa Pasig City, matapos na dalawang sasakyan lamang ang unang matagpuan noong Martes ng umaga batay sa kautusan ng korte.
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno nitong Martes ng gabi na pito sa mga sasakyan ang isinuko na sa bureau at nai-secure sa compound ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp.







