Home METRO 12 wanted person sa Cavite, arestado

12 wanted person sa Cavite, arestado

305
0

CAVITE, Philippines – Arestado ang 12 wanted persons sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Indang Municipal Police Station, iniulat kahapon.

Ayon kay PMajor Alexis Tuazon, Officer-in-charge ng Indang MPS, dakong 1:35 ng hapon ng Nobyembre 7, 2025, nadakip ang mga suspek na sina alyas “Eric”, “Mike”, “Mar”, “Efren”, “Robert”, “Leo”, “Arnel”, “Romeo”, “Angelo”, “john”, “Eli” at “Franz”, pawang mga residente ng Indang, Cavite.

Isinagawa ng Warrant Personnel ng Indang MPS ang manhunt operation laban sa mga wanted persons gamit ang Alternative Recording Device (ARD) bilang dokumentasyon.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga nasabing indibidwal sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Grave Coercion, na may inirekomendang piyansa na ₱36,000.00 bawat isa.

“Ang matagumpay na operasyon ng Indang MPS ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating kapulisan upang masiguro na walang makakatakas sa kamay ng batas sa lalawigan ng Cavite.” Pahayag ni PCol. Ariel Reid, acting Provincial Director ng Cavite PPO. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here