Home HOME BANNER STORY 1,200 special permit inilabas para dagdag-bus sa Undas

1,200 special permit inilabas para dagdag-bus sa Undas

1
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1,200 special permits ang inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para madagdagan ang mga provincial bus na bibiyahe sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, maaari pang madagdagan ang bilang depende sa mga kahilingan ng bus companies.

“Makasiguro ang ating mga kababayan na merong mga buses para makauwi sila sa kanilang probinsiya,” ani Lopez.

Patuloy na minomonitor ng Department of Transportation (DOTr) ang paghahanda sa mga bus terminal, pantalan at paliparan para sa holiday rush.

Pinayuhan din ni Lopez ang mga biyahero na bumili nang maaga ng kanilang ticket at gumamit ng online reservation upang maiwasang maging chance passenger at ang mahabang paghihintay sa terminal.

Samantala, sinabi ng DOTr na paiigtingin din ang safety inspection sa mga pantalan kasunod ng insidente sa MV June Aster.

Bagama’t hindi overloading ang tinukoy na dahilan ng sunog sa barko, sinabi ni Lopez na mahigpit na babantayan ang passenger at cargo limits at titiyaking may sapat na life vest at fire extinguisher ang mga sasakyang pandagat. Santi Celario 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here