MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang nasa 13.5 kilo ng kush o high-grade marijuana sa Balayan, Batangas nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 2.
Sa report nitong Lunes, sinabi ng Calabarzon police na inalerto ni barangay chairman Roderick Delos Reyes ng coastal barangay ng San Piro ang lokal na pulisya bandang 9:40 ng umaga matapos madiskubre ang anim na abandonadong sako.
Nang inspeksyunin ay tumambad ang 27 packs n kush na tinatayang nasa P1,620,000 ang halaga.
Inaalam na ng mga awtoridad ang nasa likod ng illegal na droga. RNT/JGC