Home METRO 13-anyos, 2 babae sugatan sa magkahiwalay na pananaga sa Cebu City

13-anyos, 2 babae sugatan sa magkahiwalay na pananaga sa Cebu City

1
0

CEBU CITY — Tatlo katao, kabilang ang isang 13-anyos na lalaki, ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pananaga sa Cebu City, ayon sa pulisya.

Sa Barangay Paril, tinaga umano ng isang 22-anyos na lalaki ang 13-anyos at ina nito habang natutulog sa kanilang bahay noong gabi ng Agosto 16. Nagtamo ng sugat sa mukha ang bata habang nasugatan naman sa balikat at braso ang kanyang ina.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng gulo ang suspek sa isang sayawan sa barangay at pinaalis doon. Kalaunan ay nagtungo umano ito sa bahay ng pamilya at isinagawa ang pag-atake.

Naaresto ang suspek at narekober ng pulisya ang bolong hinihinalang ginamit sa krimen. Itinanggi naman niya ang paratang at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Sa hiwalay na insidente sa Barangay Talamban noong Agosto 14, isang babae naman ang tinaga umano ng kanyang dating kinakasama matapos nitong tanggihan ang pakikipagbalikan ng lalaki.

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa likod ng ulo at balikat at dinala sa ospital. Nahaharap din sa frustrated murder case ang suspek.

Ayon sa Cebu City Police Office, nakulong na dati ang suspek sa kasong may kaugnayan sa violence against women and children na isinampa rin umano ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dalawang insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here