MAKATI CITY, Philippines – Arestado ang 13 indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) sa Barangay Poblacion, Makati City, noong Miyerkules ng gabi, Oktubre 7, 2026.
Pinangunahan ni Police Major Cecillio Tomas Jr. ang operasyon na nagresulta sa pagkakasamsam ng iba’t ibang uri ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 milyon, gayundin ng mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ERIC OCAPAN