Home TOP STORIES 13 arestado sa pang-aabuso ng mga bata sa daycare sa Indonesia

13 arestado sa pang-aabuso ng mga bata sa daycare sa Indonesia

116
0

JAKARTA, Indonesia – Arestado ang 13 katao sa Indonesia matapos lumabas ang nakakagulat na CCTV footage ng umano’y pang-aabuso sa mga bata sa isang daycare center sa Yogyakarta, Java island.

Ayon sa pulisya, ni-raid nila ang daycare na Little Aresha matapos ang ulat mula sa isang dating empleyado.

Makikita sa kumalat na video ang mga batang karamihan ay wala pang 2 taong gulang, nakahiga sa sahig at nakasuot lang ng diaper, habang ang ilan ay nakagapos ang kamay at paa gamit ang tela. Kinumpirma ng pulisya na totoo ang CCTV footage.

Natuklasan din ng mga awtoridad ang 20 bata na siksikan sa isang 3×3 metrong silid.

Ayon kay city police chief Eva Guna Pandia, ang mga naaresto ay binubuo ng 11 child carers, ang headmaster, at pinuno ng foundation na nagpapatakbo ng daycare.

Sasampahan sila ng kaso ng child neglect at posibleng madagdagan pa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Sinabi ng mga suspek na tinali nila ang ilang bata upang hindi makaabala sa iba, at kulang umano sila sa staff para asikasuhin ang mga bata.

Ayon sa pulisya, nasa 100 bata ang nasa daycare, at higit sa kalahati umano ang posibleng naapektuhan.

Isa sa mga magulang na si Noorman Windarto ay nagsabing labis ang kanyang galit matapos malaman na ang kanyang anak na 2-anyos ay kabilang sa mga tinali. “My heart was shattered,” aniya.

Sinasabi rin niya na ang ilang bata ay umuuwi na may pasa at madalas nagkakasakit, na ngayon ay pinaghihinalaang kaugnay ng kondisyon sa daycare.

Sa ilalim ng batas sa Indonesia, maaaring makulong ng hanggang 5 taon at pagmultahin ang mga suspek ng hanggang 100,000,000 rupiah. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here