MANILA, Philippines – Nasa ₱732,000 halaga ng ilegal na droga at baril ang nakumpiska makaraang maaresto ang nasa 131 indibiduwal sa isinagawang operation ng pulisya laban sa iligal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa nakalap na impormasyon mula kay Cavite Police Provincial Office (Cavite PPO) PCol Arile R Red, kinumpirma nito na nakapagtala sila ng nasa 131 katao sa loob ng isang operation sa buong lalawigan.
Bukod sa droga, nakarekober din ang pulisya ng 15.08 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at baril.
Dinala na sa detention cell ng bawat lugar na nakakasakop kung saan naaresto ang mga suspek para sa isasampang kaso laban sa mga ito. MARGIE BAUTISTA