Home METRO 14 kalsada sa NCR sarado sa repair – MMDA

14 kalsada sa NCR sarado sa repair – MMDA

MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Hunyo 2 na may ilang kalsada sa Metro Manila ang isasara sa trapiko para sa ikakasang repair ngayong weekend.

Sa Facebook post, sinabi ng MMDA na sisimulan ang reblocking at repair alas-11 ng gabi ngayong Biyernes at tatagal hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Hunyo 5.

Kabilang sa mga isasailalim sa repair ay ang mga sumusunod:

C-5 Road NB, J. Vargas St. hanggang Ortigas Flyover approach 3rd lane, Pasig City

C-5 Road SB, tapat ng UP BGC (truck lane), Makati City

EDSA NB, makalampas ng Kalayaan Flyover (2nd lane mula innermost lane), Makati City

C-5 Road SB, tapat ng Petron, Makati City

EDSA SB, tapat ng Panorama Bldg., at tapat ng Word of Hope (3rd lane mula center island), Quezon City

Mindanao Ave. SB, Charbel hanggang Rare Cars (truck lane), Quezon City

Mindanao Ave. NB, underpass hanggang Uni Oil Gas Station (truck lane), Quezon City

A. Bonifacio Ave. NB, corner Sgt. Rivera (3rd lane mula sidewalk), Quezon City

A. Bonifacio Ave. SB, Cloverleaf hanggang 11th Ave. (1st lane mula sidewalk), Quezon City

G. Araneta Ave., Sto. Domingo Ave. hanggang Mauban St. (2nd lane mula sidewalk), Quezon City

Commonwealth Ave NB, Commision on Audit (COA) hanggang Kristong Hari (3rd lane mula MRT 7 wall), Quezon City

Commonwealth Ave. SB, Beatriz hanggang Intramuros Village (1st at 2nd lane mula sidewalk), Quezon City

Commonwealth Ave. NB, Diliman Doctors Hospital hanggang Zuzuaregui St. (1st, 2nd, at 4th lane), Quezon City

Aurora Blvd., K0011+560-K0011+600 bago ang F. Castillo St. (1st lane mula center island), Quezon City. RNT/JGC

Previous articleGymnast Labadan pasok sa world championship
Next articleGilas naghahanda na sa World Cup; Sotto ‘di inaasahang lalaro