Home NATIONWIDE 14 party-list group pa lang swak sa 2025 poll – Comelec

14 party-list group pa lang swak sa 2025 poll – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na 14 party-list groups lamang sa kasalukuyan ang accredited para sa 2025 midterm elections.

Inalala ni Garcia na noong 2022 elections ay nasa 70 party-list groups ang accredited.

Hindi binanggit ni Garcia ang nasabing mga grupo ngunit sinabi na susuriin ng poll body ang mga party-list group at umaasa silang mahigit 100 grupo ang ma-aaccredited.

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na minumungkahi niyang higpitan ang substitution ng party-list nominees matapos ang halalan, binanggit ang kaso ng party-list nominees na papalitan pagkatapos manalo para sa House of Representatives.

Sa ilalim ng kanyang panukala, bawat grupo ay limitado lamang sa pag-nominee ng 15 nominees para sa party-list seats bago ang botohan.Wala nang nominee na tatanggapin matapos manalo ang grupo.

Hinalimbawa ni Garcia angga party-list groups na pinalitan lahat mga nominado matapos manalo ang grupo ng isang puwesto sa Kongreso.

Aminado si Garcia na walang limitasyon ang ipinataw ng batas kaya ito lamang ang kanilang pagtatangka na protektahan ang integridad ng halalan.

Sa ngayon, ang bawat grupo ay maaring magmungkahi ng hanggang limang nominado bago ang halalan ngunit ang lahat ng ito ay maaring palitan ng mga nominado.

Hinimok ni Garcia ang mga mambabatas na amyendahan ang batas upang matukoy kung anong sektor ang saklaw ng party-list law upang masiguro ang tunay na kinatawan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleJapan, US, Pinas bubuo ng defense network laban sa cyberattacks- Nikkei
Next articleOspital sa Valenzuela iniimbestigahan sa illegal detention