Home NATIONWIDE 14M Pinoy aabutin ng P20/kg na bigas pagsapit ng Setyembre

14M Pinoy aabutin ng P20/kg na bigas pagsapit ng Setyembre

131
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules, Mayo 21, na nais nilang palawakin ang sakop ng pilot test para sa P20 kada kilong bigas para maabot ang 14 milyong Pinoy sa Setyembre.

Sa kalatas, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na target ng second phase ng pilot program ang mga probinsya sa Mindanao na may mataas na poverty incidence.

“On top of the list for the second phase, which begins in July, is Zamboanga del Norte, with a poverty incidence of 37.7%. Also included are Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Sorsogon, and Maguindanao del Norte,” ani Tiu Laurel.

Sa ikatlong phase na magsisimula sa Setyembre, palalawakin ang programa sa Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani, at Dinagat Islands.

Makikinabang sa expanded pilot test sa P20 kada kilong bigas ang mahigit 3.3 milyong pamilya o 14 milyong Filipino.

Inisyal na inilunsad ang programa noong Mayo 1 sa piling lugar sa Viasyas, at pinalawak hanggang sa iba pang lugar sa Luzon at Mindanao.

Layon ng pilot test na kumulekta ng kritikal na datos para mas mapabuti ang programa. Inaasahang tatakbo ito hanggang Disyembre. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here