Home METRO 15-anyos stude, na-ospital sa sabunot ng kaklase

15-anyos stude, na-ospital sa sabunot ng kaklase

254
0

MANILA, Philippines – Isang 15-anyos na babaeng estudyante sa Muntinlupa City ang nananatili sa ospital dahil tumama ang kanyang ulo sa sahig matapos hilahin ng kanyang mga kaklase ang kanyang buhok.

Ayon sa ina ng biktima na nananatili sa ospital ang kanyang anak matapos makaranas ng pagkahilo at pagsusuka matapos mangyari ang insidente noong Lunes.

“Malakas po, yung ulo yung unang tumama sa sahig and the after na po nun, doon na nag-start na may nakapag-video, doon po nagsimula yung video na nandoon na siya sahig kaya di siya makabangon. Kasi sa lakas ng bagsak ng ulo niya, hilong-hilo daw po siya, hindi niya alam kung paano siya tatayo,” aniya.

“Doon na po makikita sa video na yung kaklasmeyt, siya yung hinahawakan and itong si offender, patuloy pang nananakit,” dagdag niya.

Sinabi rin sa kanya ng kanyang anak na bago pa man magkaroon ng pisikal na pananakit ang kaklase, binantaan na siya nito.

“Nakatayo lang daw siya. Lumapit itong si offender and then bigla siyang sinuntok dito banda,” saad niya, na nakaturo sa kanyang kanang pisngi.

Nang unang magsumbong sa kanya ang kanyang anak na babae na may nanakit sa kanya, naisip niya na isa lamang itong normal na away ng mga teenager. Ngunit hanggang sa makita niya ang video ay napagtanto niya kung ano ang nangyayari sa kanyang anak na babae sa paaralan.

Samantala, sinabi ng punong-guro at ng Department of Education-Muntinlupa City na agad na binigyan ng paunang lunas ang biktima sa klinika ng paaralan.

“Upon learning of the incident, the school, together with the Division Learners’ Rights and Protection Committee, immediately enforced urgent interventions,” ayon sa DepEd Muntinlupa.

“While the investigation is still ongoing, measures are in place to ensure the best interests of all the students involved,” dagdag nito.

“Our utmost priority is the learners’ safety, protection, and well-being, along with the continuity of their learning.”

Ang mga estudyanteng sangkot sa insidente ay sumasailalim na ngayon sa psychosocial intervention. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here