MANILA, Philippines – Isa sa pinakakilalang atraksyon sa Lisbon, Portugal, ang Gloria Funicular ay nadiskaril at tumaob noong Setyembre 3 malapit sa Avenida da Liberdade.
Labinlima ang namatay at 18 ang sugatan, lima rito ay nasa malubhang kondisyon.
Ayon kay Mayor Carlos Moedas, “isang malagim na araw” ito para sa lungsod.
Lubhang nasira ang bagon at patuloy pang kinukumpirma ng pulisya ang bilang ng mga biktima.
Isang turistang Espanyol ang nagsabing hindi niya inakalang mangyayari ang ganoong trahedya sa isang tanyag na pook.
Itinayo noong huling bahagi ng ika-19 siglo, ang funicular ay nag-uugnay sa Restauradores Square at Principe Real District. Noong 2018, nadiskaril din ito ngunit walang nasaktan. RNT