MANILA, Philippines – Halos 15,000 pulis ang ide-deploy para sa seguridad sa 2026 Feast of Jesus Nazareno sa Maynila, ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Asahan ang milyong deboto sa linggong pagdiriwang, na magtatapos sa Traslacion sa Enero 9, ang muling paglilipat ng imahen ng Jesus Nazareno mula Bagumbayan patungong Quiapo Church.
“The National Capital Region Police Office will need reinforcements. So, we’ll be deploying from Central Luzon and Calabarzon. In total, there will be about 15,000 police officers and more,” ani Nartatez.
Inihanda ng PNP ang selebrasyon sa nakalipas na dalawang buwan, katuwang ang Quiapo Church, Manila city government, MMDA, AFP, at Philippine Coast Guard.
Inaasahan umano ang humigit-kumulang limang milyong deboto sa Nazareno 2026.
“We expect our kababayans to cooperate, and we will continue to coordinate with other government agencies,” dagdag niya.
Ang tema ng taunang pista ngayong taon ay “Dapat Siyang Tumaas at Ako Nama’y Bumaba (John 3:30)”. RNT/MND