Home NATIONWIDE 16 sugatan sa karambola sa Rizal

16 sugatan sa karambola sa Rizal

1
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang 16 indibidwal sa karambola ng ilang sasakyan sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Sa report, sinabi ng Taytay police na mula sa 16 sugatan sa insidente, dalawa ang malubhang nasugatan.

Napag-alaman na ang pinagsimulan ng insidente ay ang 12-wheeler truck na may dalang mga buhangin.

Ang trak ay nagmula sa Antipolo at binabagtas ang pakurba at pababang kalsada.

Ayon sa drayber ng trak, nag-swerve ito upang maiwasan ang paparating na van.

Sa kabila nito ay hindi kumagat ang preno ng trak nang sakto sa oras kaya nagpalit ito ng linya.

Dito na inararo ng trak ang mga paparating na sasakyan kabilang ang jeepney, motorsiklo at iba pa.

Isa sa malubhang nasaktan ay ang isa pang drayber at ang isa ay ang babaeng pasahero ng jeepney.

Nangako naman ang may-ari ng trak na magbabayad ito sa pampaospital ng mga nasaktan.

Iniimbestigahan pa ng Taytay police ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here