Home NATIONWIDE 16 tigok sa sunog sa pabrika ng damit sa Bangladesh

16 tigok sa sunog sa pabrika ng damit sa Bangladesh

282
0

DHAKA — Nasawi ang hindi bababa sa 16 katao at ilan ang nasugatan matapos masunog ang isang pabrika ng damit at katabing bodega ng kemikal sa Dhaka, Bangladesh nitong Martes, ayon sa mga opisyal.

“Sixteen bodies have been recovered… the number of deaths could rise,” ayon kay Fire Service Director Tajul Islam Chowdhury habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga rescuer.

Nagsimula ang apoy bandang tanghali sa ikatlong palapag ng pitong palapag na pabrika sa Mirpur at kumalat sa katabing bodega ng bleaching powder, plastik, at hydrogen peroxide.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may lisensya ang naturang bodega. Ayon kay Chowdhury, “malamang na ilegal” ito.

Nagpahayag ng pakikiramay si Bangladesh interim leader Muhammad Yunus at iniutos ang imbestigasyon at tulong para sa mga pamilya ng mga biktima.

Kilala ang industriya ng tela sa Bangladesh sa madalas na insidente ng sunog at aksidente. Noong 2013, mahigit 1,100 ang namatay sa pagbagsak ng Rana Plaza building na may mga pabrika ng damit.

Labindalawang fire units ang sumikap na apulahin ang apoy sa loob ng tatlong oras habang tumulong din ang militar at pulisya sa pagresponde. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here