Home HOME BANNER STORY 16-vote threshold sa impeachment ni VP Sara, binabaan ng Senate court

16-vote threshold sa impeachment ni VP Sara, binabaan ng Senate court

3
0

MANILA, Philippines – Binaligtad ng Senate impeachment court nitong Miyerkules ang naunang ruling na nakapirmi sa 16 boto ang kailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.

Sa botohan, 13 senator-judge ang pumabor sa apela ni Sen. Erwin Tulfo laban sa July 6 ruling ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero, habang si Escudero ang nag-iisang bumoto laban dito.

Hindi naman nakilahok sa botohan sina Senator Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robinhood Padilla at Camille Villar.

Sa ilalim ng bagong ruling, hindi na awtomatikong ibabatay sa buong 24-member Senate ang two-thirds requirement. Sa halip, isasaalang-alang lamang sa denominator ang mga senador na legally at factually capable na makilahok bilang senator-judges sa oras ng botohan.

Maaaring hindi isama sa computation ang mga senador na nakakulong, suspendido o legal na nahahadlang sa kanilang tungkulin; hindi matukoy ang kinaroroonan; may pisikal o medikal na incapacity; o nasa katulad na sitwasyong hindi sila makalahok sa proceedings.

Naunang iginiit ni Tulfo na ang pagpapanatili sa 24 bilang denominator kahit may mga senator-judge na hindi maaaring makilahok ay maaaring humantong sa tinatawag niyang “acquittal by default.”

Sa oral arguments bago ang botohan, sinabi naman ng House prosecution panel na kung 20 senador ang maituturing na kwalipikado at maaaring makilahok, 14 boto ang kailangan upang maabot ang two-thirds requirement.

Iginiit naman ng depensa ni Duterte na dapat manatili ang 16-vote threshold at nagbabala na ang pagbabago nito sa kalagitnaan ng trial ay maaaring kuwestiyunin sa Supreme Court. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here