Home METRO 17-anyos na siklista, tigok sa bangga sa Antipolo

17-anyos na siklista, tigok sa bangga sa Antipolo

63
0

ANTIPOLO CITY — Nasawi ang isang 17-anyos na siklista matapos mabangga ng isang kotse habang tumatawid sa Marcos Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas na “Lance” at ang drayber sa alyas na “Jayvee,” na residente ng San Mateo, Rizal.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng bisikleta ang biktima kasama ang dalawa pang menor de edad nang tangkain nilang tumawid sa Marcos Highway malapit sa Vermont Royale Subdivision bandang alas-10:10 ng gabi.

Ayon sa mga saksi, huminto ang mga sasakyan sa ilang linya ng kalsada upang bigyang-daan ang mga tumatawid. Gayunman, nang marating ng biktima ang pinakaloob na lane, nabangga siya ng isang kotse na patungong Masinag Intersection.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima ng humigit-kumulang limang metro mula sa pinangyarihan ng aksidente. Isinugod siya sa Mambugan Hospital Annex IV ngunit idineklarang dead on arrival.

Nahaharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, ayon sa pulisya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here