Home METRO 17 dayuhang nalambat sa cyber scam hub sa Makati kinasuhan

17 dayuhang nalambat sa cyber scam hub sa Makati kinasuhan

199
0

MANILA, Philippines- Sinampahan na ng kasong kriminal ang 17 dayuhan na naaresto noong Okt.11 sa isang cyber scam hub sa Makati City, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes.

Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, isinalang na sa inquest proceedings ang mga dayuhan sa Makati City Prosecutor’s Office para sa paglabag sa Republic Act (RA) 12010 o ang Anti–Financial Account Scamming and RA 10175 o the Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kabilang sa mga kinasuhan ang 15 Chinese nationals, isang Malaysian at isang Taiwanese na pawang naaresto sa nabanggit na petsa sa Tejeros, Makati City ng mga operatiba ng NBI Cybercrime Division (CCD) .

Isinagawa ang operasyon nang isilbi ang warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 147.

Sa nasabing operasyon, sinabi ng NBI na nadiskubre ng mga operatiba na ilang live electronic devices tulad ng desktop computers, laptops at cellphones ang ginagamit sa illegal na online operations.

Natuklasan din ang controlled viewing at onsite forensic examination digital evidence, mga tool at aplikasyon para sa mga social engineering scheme, ilegal na pag-access, maling paggamit ng mga device, computer-related forgery, at panloloko.

Naniniwala si Santiago na ang mga naaresto at nagtatrabaho para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay NBI-CCD Chief Jeremy C. Lotoc, bigo ang 17 dayuhan na nagpakita ng kanilang pasaporte.

Samantala, binigyan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng foreign workers ng POGO hanggang ngayong Okt.15 na i-downgrade ang kanilang work visa sa tourist visas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here