Home NATIONWIDE 17 patay sa Rift Valley Fever outbreak sa Senegal

17 patay sa Rift Valley Fever outbreak sa Senegal

204
0

SENEGAL – Nakapagtala ang Senegal ng 17 nasawi mula sa Rift Valley Fever (RVF), na ayon sa mga opisyal ay ang ‘deadliest outbreak’ sa loob ng maraming dekada.

Ang 119 kaso ay mula sa northern Senegal, isang major livestock-producing region, na nagpalala sa lalo pang pagkalat nito, ayon kay Dr Boly Diop, ministry head ng RVF surveillance.

Kumakalat ang RVF sa pamamagitan ng mga hayop o lamok, ngunit wala pang human-to-human transmission ang naitala tungkol dito.

Karaniwang nahahawaan ang mga tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok o contact sa dugo, body fluids, o tissue ng isang infected na hayop, ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention.

Ang RVF ay endemic sa northern Senegal mula pa noong 1980s.

“It has been becoming more frequent these days across Africa, and these various diseases are closely related with climate change and extreme weather events,” pahayag ni Dr Merawi Aragaw Tegegne, epidemiologist sa Africa CDC, sa press briefing nitong Huwebes, Oktubre 9.

“If you see torrential rain with quick floods, then sunny days, expect RVF in the coming days with favorable conditions for the vectors,” dagdag pa niya.

Ang kasalukuyang outbreak ay idineklara noong Setyembre 21.

“This is the first time Senegal has counted so many people affected,” sinabi naman ni Diop.

Ang RVF ay maaaring maipasa sa tao sa pagkatay, pagpapaanak, veterinary procedures, o pagtatapon ng mga labi o fetus ng mga infected na hayop at karaniwang nakakaapekto sa mga magsasaka, slaughterhouse workers at veterinarians.

Karamihan sa mga human infection ay may mild o halos walang sintomas.

Sa severe cases nito, maaaring mawalan ng paningin ang isang tao at posible rin ang hemorrhagic form na may 50% case fatality rate. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here