Home NATIONWIDE 18,000 parak ipakakalat sa Undas 2024

18,000 parak ipakakalat sa Undas 2024

MANILA, Philippines – Kabuuang 18,000 police personnel ang ipapakalat para tiyakin ang obserbasyon ng Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong taon, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

“This year po around 18,000 plus po ang ide-deploy po natin sa mga PNP personnel, to be exact nasa 18,802,” sabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang press briefing.

“Kasama na po sa ide-deploy po dyan yung mga ilalagay natin sa police assistance desks sa ating memorial parks, sementeryo, pati na rin po sa transport terminals to make sure na maaalalayan natin yung mga kababayan natin na ine-expect na po bibiyahe, ” dagdag niya.

Sa ilang lugar na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine, sinabi ni Fajardo na magdedeploy ang PNP ng mas maraming tauhan para sa Undas dahil marami na sa mga lokal na pulis doon ang pagod na pagod sa isinasagawang retrieval at relief operations.

“Gaya nga ng sabi ng ating Chief PNP, magmula noong binagyo po hanggang ngayon, ongoing yung retrieval and relief operations ay pagod na rin po yung pulis natin sa mga apektado,” Fajardo said.

“That is precisely the reason kung bakit pinapa-mobilize na rin niya yung ating reserve force,” aniya pa. RNT