Home NATIONWIDE 19 nasawi sa hagupit ni Tino sa C. Visayas – OCD

19 nasawi sa hagupit ni Tino sa C. Visayas – OCD

346
0

MANILA, Philippines – Naitala ng Office of Civil Defense (OCD) sa Central Visayas ang 19 nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tino (Kalmaegi).

Ayon kay OCD Central Visayas Director Joel Erestain sa panayam sa radyo, apat ang nasawi sa Danao City, anim sa Mandaue City, walo sa Cebu City, at isa sa Panglao, Bohol.

Ang mga biktima, na may edad mula 1 hanggang mahigit 60, ay nasawi dahil sa pagkalunod at pagkamatay matapos tamaan ng bumagsak na puno.

Pitong katao pa ang nawawala — tig-isa sa Danao at Mandaue, at lima sa Cebu City matapos umapaw ang Butuanon River at bahain ang Villa del Rio 1 sa Barangay Bacayan.

“Mataas ‘yung Villa del Rio 1 kaya hindi nila ine-expect na babahain sila dahil upstream ‘yun,” ayon kay Erestain, na nagsabing gumuho ang isang retaining wall na nagdulot ng flash flood.

Makikita sa isang viral na video ang ilang sasakyan sa Villa del Rio 1 na nagpatung-patong dahil sa matinding baha. Nagsimula nang bumalik sa kani-kanilang bahay ang mga residente matapos humupa ang tubig.

Ayon sa PAGASA, apat na lugar pa rin ang nasa ilalim ng Signal No. 4 habang humina at bumagal si Tino sa Iloilo Strait. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here