Home NATIONWIDE 19 patay sa Israeli strikes sa Gaza

19 patay sa Israeli strikes sa Gaza

GAZA – Nasawi ang 19 katao, kabilang ang walong bata sa mga strike ng Israel sa Gaza.

Ayon sa civil defense agency, sapul ng air strike ang bahay ng al-Ghoul family sa Gaza City na kumitil sa buhay ng 11 katao. Pito sa mga ito ay bata.

“The home, which housed several displaced people, was completely destroyed,” ani civil defence spokesman Mahmud Bassal.

“It was a two-storey building and several people are still under the rubble,” dagdag pa niya, sabay sabing tinira rin ng mga drone ng Israel ang isang ambulance staff.

Sa ibang lugar naman, iniulat din ng civil defense agency na walong security officers, na inatasan lang sanang sumama sa aid convoy, ang nasawi sa strike ng Israel habang nagmamaneho ng sasakyan sa Khan Yunis.

Inakusahan ni Bassal ang Israel na “deliberately targeted them in order to affect the humanitarian supply chain and increase the suffering.”

Wala pang tugon ang Israeli army kaugnay nito.

Dagdag pa, tatlong miyembro rin ng isang pamilya ang nasawi nang bombahin ang bahay nito sa Khan Yunis. RNT/JGC