Home NATIONWIDE 1PWD nagsampa ng reklamo vs ‘Machong Chismisan’ sa pahayag kay Josh Aquino

1PWD nagsampa ng reklamo vs ‘Machong Chismisan’ sa pahayag kay Josh Aquino

1
0

MANILA, Philippines — Naghain ng reklamo ang 1PWD Party-list laban sa producers at hosts ng podcast na “Machong Chismisan” kaugnay ng mga naging pahayag ng mga ito tungkol kay Joshua “Josh” Aquino, anak ni Kris Aquino.

Ayon kay 1PWD Rep. John Daniel Castro, maituturing umanong diskriminasyon laban sa persons with disabilities (PWDs) ang mga komentong ginawa sa isang episode ng podcast.

“Kami po ay talagang nasaktan doon sa mga ganung klaseng remarks dahil para sabihin pong walang kwenta ang isang may kapansanan, suntok po ’yun sa ginagawa ng aming mission na palakasin ang kapakanan ng PWDs,” ani Castro.

Iniimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng paglabag sa Magna Carta for Persons with Disability, partikular sa mga probisyon laban sa public ridicule at vilification ng PWDs. Tinitingnan din ng bureau ang posibleng cyber libel complaint.

Isa sa limang hosts na si Daniel Lawrence Vivar ang humarap sa NBI nitong Martes bilang tugon sa subpoena ng ahensya. Hindi naman nakadalo ang kapwa host na si Tito P, na ayon sa kanyang abogado ay may kondisyong pangkalusugan na maaaring lumala kung dadalo sa proceedings.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na patuloy ang imbestigasyon kahit hindi pa humaharap ang ibang hosts at magsasampa lamang ang bureau ng kaukulang kaso kung may sapat na basehan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9442, ipinagbabawal ang public ridicule at vilification ng persons with disabilities. Para sa unang paglabag, maaaring ipataw ang multang P50,000 hanggang P100,000, pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o pareho, depende sa pasya ng korte.

Binura na ang kontrobersiyal na episode at humingi na rin ng paumanhin ang podcast hosts. Tinapos naman ng The Pod Network ang kontrata nito sa “Machong Chismisan” matapos ang kontrobersiya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here